Sunday, August 23, 2009

BAWAL ang PIKON

Lahat ng kumokontra kay CJC baka ma-heart attack kayo! Huwag mainis! Huwag mainggit! Dapat kayong mag-ingat dahil baka kayo ay magkasakit!

Baka kulangin ang pensyon!

Baka magamit agad ang "lote" na libre!

Palsipikadong NA

May mga lumulutang na PEKENG National Artist. Sabi nang ilan si CJC daw. Ayun naman sa isang reliable source ito raw sina V.A. at B.L. ang huwad?

Totoo ba to?

Ang asar talo...

Wednesday, August 12, 2009

Analysis - Arman fransisco

By: Mr. Arman Fransisco (Artist)

Monday, August 10, 2009

Carlo J. Caparas: Pasok ba o Hindi sa Visual Artist Category?
Carlo J. Caparas

Isang controversy ang yumanig kamakailan kung saan ang nasasangkot ay ang mga alagad ng sining. Isang titulo ang ipinagkaloob kay komiks writer/novelist and movie director Carlo J. Caparas. Ang pagiging National Artist.
Marami ang pumuna, tumutol at nagprotesta sa paggagawad na ito ng titulo kay Caparas. Maging ako ay nagpahayag ng aking komento at saloobin dito kung saan hindi rin ako pabor dahil naniniwala akong mayroong pulitikang involved dito kahit ano pang denial ang sabihin nila. Naniniwala rin ako noong una na may nahakbangang mas karapat-dapat mabigyan ng ganitong titulo.
Gusto kong ilayo ang usaping pulitika sa aking pagtalakay kung si Carlo J. Caparas nga ba ay “qualified” o “hindi qualified”. Kung komiks ang pag-uusapan, sabi ng ilan ay hindi naman siya isang dibuhista na gumuguhit ng kanyang mga pinasikat na karakter sa nobelang kanyang sinusulat. Kung pelikula naman ang babalingan, hindi naman siya “worthy” dahil karamihan sa kanyang mga dinirek na pelikula ay massacre films at walang kuwenta.
Sa pelikula, may Director, may Cameraman at may Scriptwriter. Silang tatlo ang may malaking papel na ginagampanan para makabuo ng isang maganda, artistic at makabuluhang pelikula. Ganoon pa man, kapag pinagkalooban sila ng award, may kanya-kanya silang kategorya. May Best Director, Best Scriptwriter at Best Cinematography. Kapag ang pinarangalan mismo ay ang pelikula bilang Best Picture, ibinibigay nila ang kredito sa Director sa mahusay nitong pagdidirihe ng naturang pelikula. Dito ay bagsak daw si Carlo J. Caparas. Mas lutang sa kanya ang mga pangalang Lino Brocka, Ismael Bernal et al.
Ngayon, sa komiks naman tayo dumako. Sa komiks, dalawa lang halos ang taong gumagalaw. Ang Scriptwriter at ang Illustrator. Ang Editor ay may mahalaga ring ginagampanan bagamat, sa trabaho nitong editing siya nakatutok kapag approved na ang isang istorya o nobela. So, it is a teamwork between the two, the writer and the illustrator. Mayroon din namang writer na, siya pa rin ang illustrator sa komiks at dito nga nakahanay sina Francisco V. Coching, Larry Alcala at isama na rin natin si Vincent Benjamin Kua. Walang kuwestiyon sa tatlong binanggit ko ang pangalan dahil kopo nilang lahat ang trabaho, writer and at the same time illustrator ng kanilang mga obra. Pero hindi lahat ng nasa komiks ay ganito ang katayuan. Ninety-nine percent na nasa komiks, kung writer ka at mas gamay ka dito (o mas kumikita) mag-iistick ka na lang dito, ganoon din naman sa pagiging illustrator. Sa panahon ng pagsusulat ko sa komiks, 75% din ng mga writer na nakasama kong magsulat ng script ay marurunong magdibuho. They knew the craft and even started as an illustrator. Hindi kataka-takang marunong o nakakaintindi ngang magdibuho si Carlo J. Caparas. Pero gaya ng kanyang sinabi kay Che Che Lazaro sa isang talk show na ang isyung ito ang pinag-uusapan, “mas malaking kumita ng salapi” si Carlo J. Caparas sa pagsusulat sa komiks kaysa sa pagdidibuho na inaabot ng 3 Linggo. Gutom nga ang aabutin niya dito. So, mas pinili ni Caparas na magsulat na lamang, gaya ni Jim “Zuma” Fernandez na nagsimulang dibuhista pero kalaunan ay sa pagsusulat na lang nag-concentrate. Ganoon din si Virgilio “Palos” Redondo. Si Nestor “Buhawi” Redondo naman, bagamat nagsusulat din ng nobela noon, mas nag-concentrate naman ito sa pagdidibuho sa komiks.
Ngayon, ang pupuntuhan ko naman ay ang dalawang ito, ang writer at illustrator. Si Mars Ravelo, Pablo Gomez at Carlo J. Caparas ang tatlong writer/novelist sa komiks na umani ng popularidad sa industriya ng komiks. Ganoon pa man, hindi ko naman ini-etsa puwera dito si Tony Velasquez bilang creator ni “Kenkoy” at maituturing na ama na rin ng komiks. But Ravelo and Caparas created many immortal komiks characters at naging institusyon na ang pangalan. Naging bukang bibig din ito ng mga komiks readers, sa buong kapuluan ng Pilipinas, gaya ng Captain Barbell at Darna ni Mars Ravelo at “Ang Panday at Bakekang ni Carlo Caparas. Kapag nabanggit ba ang Darna, o Panday character nila, naririnig ba ninyong sinasabi ng mga taong si Jim Fernandez at Steve Gan ang nag-dibuho ng mga ito? Sa pagtanggap ba ng royalty ni Caparas at Ravelo, nagpepetisyon ba ang mga taong nagdibuho nito na sila man ay dapat ding makabahagi dahil sila ang nag-drawing ng mga karakter na iyon? Hindi. Ang dahilan, ang writer ang lumikha ng mga karakter na ito. Yes, hindi ko binabale-wala ang naging contribution ng mga illustrator sa paglikha sa kanilang imahe, pero ang writer din ang nag-direk sa mga illustrator na ito kung anong imahe ang kanilang ido-drawing. So, sa komiks, ang writer ay hindi lamang basta writer, sila rin ay maituturing na director at ang illustrator naman ang nagsisilbing cameraman.
Dalawang tungkulin ang hawak ng isang scriptwriter sa komiks. He or she is also a director. Bakit? Dahil siya ang naglalagay ng illustration guide sa script na iguguhit ng isang dibuhista. Hindi pa ako gumawa ng komiks script sa panahon ng aking pagsusulat na hindi ko nilalagyan ng illustration guide. Maaaring kung minsan ay madetalye ito puwede rin naman maikli lamang bilang pagrespeto na rin sa isang illustrator na gumana naman ang kanyang pagiging creative. This illustration guide is a part of any script in komiks scriptwriting. It is a requirement sa pagbuo nito at natitiyak ko na isosoli sa iyo ng editor ang iyong script kapag wala kang inilagay na ganito sa iyong sinulat no kuwento o nobela. Hindi rin puwedeng ibigay na lamang sa isang illustrator ang script at sabihin ditong bahala ka na diyan. Ergo, sa komiks, ang writer ay isa ring director.
Pumunta naman tayo sa kategoryang “Visual Artist”. Si Carlo J. Caparas ba ay qualified kung komiks ang pag-uusapan, na pagkalooban ng National Artist sa ganitong category? Gaya ng sabi nila, hindi naman si Carlo ang nagdidibuho ng kanyang mga pinasikat na karakter sa kanyang nobela. Ang illustrator ang gumawa ng imahe ni Panday, ni Kamandag at ni Bakekang. Visual arts means, nakikita ang kanyang likhang sining.
Dito ko na ipapasok ang kahalagahan ng isang Direktor sa pelikula. Ang kredito nitong natatamo sa isang pelikulang naging Best Picture. Sa komiks, bilang isang writer at director din ng kanyang obra, natural na siya ang umani ng parangal. Siya ang nagbibigay ng direktiba sa isang illustrator kung anong anyo, anong eksena, anong panahon, anong kasarian, ang kanyang iguguhit. Hindi maaaring i-drawing na lang ng isang illustrator ang gusto niya o makipag-argumento sa sumulat na ganito ang gusto. Gaya halimbawa sa karakter ng nobela kong “Malgan” na iginuhit ni Celso Trinidad. Maiguguhit ba ni Celso Trinidad ang karakter ko kung hindi ko idinetalye sa aking illustration guide na “sipit” ng alimango isang kamay nito? Maiguguhit din ba niya kung nasaan ang eksena? Kung araw o gabi, kung nasa bundok, karagatan o kagubatan ang tagpo? Kung umiiyak, tumatawa, ang karakter? Kung close shot o full shot. Kung ano ang anggulo, ang background etc. etc. Ang ginagawa bang ito ng isang scriptwriter sa pamamagitan ng illustration guide at mula sa kanyang imahinasyon na isasalin lamang ng illustrator para mabigyan ng larawan ay hindi ninyo maituturing na “visual arts”. Kailangan ba na ang nakikitang drawing mismo gaya ng katagang “visual” ang ating isasaalang-alang? Letra por letra? Paano na ang visual na nakatago sa likod ng nagdo-drawing o likod ng kamera? Gaya ng director sa pelikula at scriptwriter sa komiks?
Ang pagiging dibuhista ay isang trabaho at dito siya binabayaran. Ganoon din ang cinematographer sa pagkuha ng magaganda at artistikong anggulo. Pero sa isang scriptwriter na lumikha ng isang karakter sa kanyang nobela na naging popular at institusyon ay dadalhin niya ito at tataglayin hanggang kanyang kamatayan.
Tungkol sa guidelines na sinusunod ng NCAA. “Artist.” Itatanong ko lang sa inyo. Ano ba ang pagkakaintindi ninyo sa pagiging “artist?” Kailangan bang isa lamang siyang pintor, o illustrator? Ang isa bang writer ay hindi maituturing na artist? “who have created a substantial body of works” Si Carlo J. Caparas ba ay bagsak sa paglikha ng substantial body of work? Gaano ba karaming nobela ang kanyang sinulat sa panahon ng kanyang pagiging komiks writer? or displayed excellence in the practice of their art form thus enriching artistic expression or style. Ang pagsusulat ba ng komiks script ay hindi isang art form kung saan ang pagbibigay mo ng illustration guide sa isang illustrator na nagdidibuho nito ay hindi rin maituturing na excellence in the practice, thus enriching artistic expression or style. Makatarungan ba na ibigay lamang ang kredito nito sa isang dibuhista? Kung walang magdidirihe sa kanyang iguguhit ano ba ang ating makikita sa kanyang obra, hindi ba’t blangko?
Hindi naman marahil maaabot ni Carlo J. Caparas ang kanyang katayuan kung hindi siya umani ng respeto at paghanga sa industriya at sa mga naging kasama niya dito. Ang bulto ng gawa ni Carlo pang-masa. Sila ang nagbigay ng recognition sa mga sinulat ni Carlo. Ang pagiging popular ng kanyang mga karakter na nilikha at ang pagiging bukang-bibig nito ang makapagpapatunay. Kung ang director sa pelikula ay nabibigyan ng parangal sa ganitong kategorya, sa kabila ng siya ay nasa likod ng camera, sa komiks sa sarili kong opinyon, si Carlo J. Caparas ay “pasok” din sa pamantayang hinahanap sa kategoryang nabanggit.

Friday, August 7, 2009

Si Carlo J...

Carlo J. Caparas named National Artist for Visual Arts
Manila Bulletin - Saturday, August 1


It was at the airport that President Gloria Macapagal Arroyo, who was on her way to the United States to meet with US President Barrack Obama, announced that "Komiks King" Carlo J. Caparas has been named National Artist for Visual Arts.

When asked about his feelings for this new feat he has achieved, Carlo said, "Siyempre nakaka-overwhelm. Imagine someone like me na galing sa masa, na nagsusulat lang ng komiks before in my youth ay mabibigyan ng ganitong karangalan."When he was told of his award, Carlo said he remembered the late Fernando Poe, Jr. "Kasi when I was still a struggling filmmaker, I had the chance to talk to him and I said, "Erap, nakuha mo lahat ng awards at titulo. Movie King ka at marami ka ng iba't-ibang awards na natanggap.

What's next? Ano pa ba ang gusto mong ma-achieve? An international award?"Ang sagot niya sa akin: 'Erap, ang gusto ko maging National Artist!' Which he got naman, but posthumously, ibinigay sa kanya after his death. Yon ang malungkot..."Carlo started writing for komiks when he was only 18. He was also a komiks illustrator and he related that as a young boy, for lack of the necessary writing materials, he used their backyard to illustrate his ideas. "Ang bakuran namin ang malaking illustration board ko," Carlo recalled.

Carlo went on to become a most prolific and successful komiks writer during his time and was eventually dubbed "Komiks King," a title that he took with great pride especially now that komiks has been defined as the "International Theater of the World." From komiks writing, Carlo tried his hand at movie scriptwriting and directing and proved himself equally successful. For 23 years, he directed various genres of movies, most of which turned out to be box-office hits.

He also made the stars of his movies, among them Kris Aquino, phenomenal box-office star.And now his komiks creations are being adapted for television, the most recent of which were "Totoy Bato," which starred Robin Padilla and Regine Velasquez, and "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," starring Dingdong Dantes and Marian Rivera. Both were topraters on GMA 7. There were also Caparas' creative works (like "Panday" and "Pieta") that were televised on ABS-CBN and there are still many which will be used for future teleseryes in the two giant networks."Actually, there are about 30 of my novels na nakakahon na," he revealed.Through his creations that were used as teleseryes, Carlo noted that more actors were given jobs. "Ito kasing telebisyon ang pinaka-active na medium ngayon."Going back to his award as National Artist for Visual Arts, Carlo said, "makakatulong ito ng malaki sa industriya na isang active member ay nabigyan ng ganitong recognition." Komiks writing is alive again and all because of Carlo's tireless efforts to revive it nationwide with the support of the National Commission of Culture and the Arts (NCCA).

But is his being a National Artist his ultimate achievement? Carlo laughed as he said, "I'm very proud of this but pangalawa ito. My first ultimate achievement was my wife, nang mapaibig ko si Donna Villa!" The couple went on to become a most formidable and indefatigable tandem in producing films and TV projects. Seriously speaking, the award was sort of anticipated as Carlo has already been the recipient of the Presidential Medal of Merit which was given him in 2007.

"Ang nakakatawa nito, lahat ng mga kasama kong nabigyan ng Presidential Medals of Merit ay patay na." They were Francisco Coching, Tony Velasquez, Larry Alcala, among others.As National Artist for Visual Arts Carlo will be recognized in all important occasions in Malacañang like state visits.Carlo's current movie projectCarlo is currently filming a trilogy that is why he and Donna are almost always in the province (in Cebu especially where Donna hails).

One episode, "Sa Ngalan ng Busabos," stars Pambansang Kamao Manny Pacquiao and Jake Cuenca. Initially, Manny's leading lady was supposed to be Nicole of the Pussycat Dolls but the latter reportedly begged off because of her busy schedule.The other two episodes are entitled "Hawak Kita, Hawak Mo Ako," and "Hiwaga ni Lolo Hugo."

Tuesday, August 4, 2009

Why Carlo J. Caparas? Why not!?!

Why Carlo J. Caparas? Why not!?! FUNFARE By Ricardo F. Lo (The Philippine Star) Updated August 04, 2009 12:00 AM


We choose a Bb. Pilipinas and what follows is a howl of protest — you know, that she’s not deserving and somebody else is. On the heels of every awards night comes shouts of “cheating” (envelop-switching?) and lutong-makaw. Have we ever seen a candidate concede so easily after an election?

The latest brouhaha revolves around the selection of Carlo J. Caparas as a National Artist for Visual Arts and Film. They are all ganging up on poor Carlo as if he bestowed the much-coveted honor upon himself, not by a screening committee composed, I like to think, of distinguished minds, one of whom was quoted as saying that Carlo, and Cecile Guidote-Alvarez (National Artist For Theater and one-time Ramon Magsaysay awardee), were included in the honor roll on the strength of a “presidential privilege.”

One critic belittled Carlo’s achievement by dismissing him as a mere “massacre” director who can’t measure up to the likes of Lino Brocka and Gerry de Leon when, in fact, Carlo’s “massacre movies” were, so to speak, only a drop in the bucket of Carlo’s body of work.

Still another critic (whose claim to fame includes a memorable walk-on role as himself...a movie scribe...in the latest Juday-Ogie starrer) relentlessly “massacred” Carlo in his piece (appropriate title would have been, hehehehe, “kinatay”) questioning his selection while at the same time confessing that he’s “not privy to the selection process” and that he didn’t have anything personal against Carlo, “and I don’t even know him.”

Like, I am not privy to the “selection process” but I’m sure I know Carlo enough to give him, well, the benefit of the doubt.
This much I know about Carlo:

• Although he’s not a high-school graduate (having been educated in the School of Hard Knocks), he managed to create his own niche in the komiks world, no wonder he’s known as the Komiks King;

• He’s the only artist with a street (in Pasig City where in his early years he worked as a security guard) named after him;

• He has received so many awards not only as a komiks novelist but also as a scriptwriter/producer/director, plus an Ulirang Ama Award and a few more for propagating the National Language, that he has run out of space to display the trophies in;

• He’s the only komiks novelist (with more than 800 serials to his credit...and counting) who has successfully crossed over from the printed page to movies and television, with his hit movies based on his komiks serials now being adapted as TV series such as Joaquin Bordado (with former Sen. Ramon Revilla in the movie version and Robin Padilla in the TV version), Totoy Bato (the late FPJ in the movies and again Robin Padilla in television) and many others; and

• He has published more works, not to mention making them into films (starring movie greats including FPJ in the Panday series, Nora Aunor in Bakekang, Vilma Santos in The Lipa Massacre and Gloria Diaz in the Ander de Saya series), than any of his colleagues.

In short, Carlo has championed popular literature and, with his wife Donna Villa, continues to do so with their nationwide komiks caravan designed to keep the public’s interest and enthusiasm in the komiks burning.
With his National Artist award, is Carlo ready to rest on his laurels?
Guess again.

When Pres. Gloria Macapagal-Arroyo last week announced the list of new National Artists before she left for the US, Carlo was in the Cebu set of his latest project, a trilogy for his and Donna’s Golden Lions Films which stars, among others, Manny Pacquiao, Gina Pareño, Jake Cuenca, Caridad Sanchez, Megan Young, Tommy Abuel, Joel Torre, Jackie Rice, Mon Confiado, Ronnie Lazaro and Mark Herras, introducing the Caparas children CJ and Peach.
“Like me,” said Donna, “Carlo is a multi-tasker. His imagination continues to work even when he’s asleep. So how can he retire?”Maybe the critic/movie-scribe should next do a cameo in a Carlo Caparas movie so that he can have a chance to know him up close.

Monday, August 3, 2009

Petition against CJC: Unreliable

Na-intriga ako sa petition "kuno" ng mga taong hindi mo alam kung ano ang batayan sa mga maling paratang sa tanyag na director.Maaaring para sa kanila may "mas" dapat magawaran ng parangal na "NATIONAL ARTIST" pero sapat ba yung dahilan para yurakan nila ang pagkatao ng kilalang direktor?

Sa petition na nilabas ng mga di-makilalang mga tao makikita nyo dun ang sangkatutak na imbentong pangalan. Para lang mapuno ang kawawa nilang petition pati ang masa ay niloloko nila.

Kayo ang mga diktador! Gusto nyo lang magawaran ang sa "tingin" nyo ay ang pasado sa "ego" nyo!

Mapaparangalan din sila Conching, Alcala at kung sino-sinu pa.
Lahat sila may ORAS pa para gawaran ng PARANGAL!
Hindi porke't may nauna lang eh nalimutan na sila!

Napaka-walang sense na i-compare sila kay CJC dahil si CJC eh malawak ang naabot sa field ng comics, tv and movies!

At sana lang huwag kayong mag-base sa MASSACRE MOVIES lamang!
Madami pa siyang nagawa na kayang tapatan ang ibang pelikula sa panahon nila!

kayo ang nagpapababa sa integridad ng mga artist sa bansang ito.
Puro lang kayo pa-memersonal.

Sunday, August 2, 2009

CJC Issue (kuno) Part 1

Carlo J. Caparas (National Artist/ Director) can represent the title bestowed by the President of the Republic because his works and his image are familiar to the Filipino masses. They patronize him now and then. His appeal to the masses is overwhelming, unlike some of our National Artist, unknown to the people because they only belong to a group of artists or confined to a university. We can call them sectoral artists or elitist artists not National Artist.